Paglingon sa Pinanggalingan
First post ever written using my native language. Sometimes it's easier to express yourself in your mother tongue. Mothers know best, right? *wink*
I'm using modern Filipino here so if ever anyone wants to open a translator, everything might not be translated correctly. 0:)
__________
Minsan hindi mo aakalaing may mga pangyayari sa buhay mo na babalik-balikan mo lang talaga. Alam niyo yun? Yung tipong mangingiyak-ngiyak ka na sa kakaisip?
Sa sobrang excited mo makaharap yung kinabukasan mo, minsan iisipin mo na lang kung bakit nangyayari yun. Dahil ba sa mga pinaggagawa mo dati? Tadhana? Gawa ng Nasa Langit? O sadyang ganito lang ang daan ng buhay mo?
Akala mo may mga daungan pa at pasikot-sikot sa daan ng buhay, pero 'yun pala, kasama lang sa mga pagdadaanan mo yung mga problema. 'Yun pala, tuwid yung daan talaga. Hindi mo lang napapansin.
Isa 'yan sa mga misteryo ng buhay na hindi ko gusto suriin pa. May mga bagay sa mundo na mas mabuti pang hindi mo alam lahat ng dapat malaman tungkol doon. Sa Ingles, "It's better the way it is." Maganda rin minsan kapag may mga bagay na hindi mo kayang kontrolin.
Baka nagiging emosyonal na naman ako kasi aalis na ako sa bahay na kinalakihan ko. Bawat sulok, bawat gamit, maraming mga nakatagong alaala. Hindi naman lahat ng gamit pwede kong dalhin. Hindi lahat ng alaala naman, masaya. Kaya mas maganda yatang iwanan na lang natin sila kung ano sila ngayon.
Ganun rin dapat sa daloy ng buhay natin. Minsan, kahit lahat ginawa mo para makaiwas sa isang bagay, makikita mo na lang sarili mo kinabukasan.. na babalikan mo rin yung pinanggalingan mo.
Sa mga pagkakataong ito, maraming pumapasok sa isip ko. Pangnakaraan, pangkasalukuyan, panghinaharap. Aspeto ng Pandiwa ang peg. Sinasadya ko nang magpuyat para makatulog kaagad, pero wa-epek na rin eh. May mga bagay talaga na kahit anong gawin ko, hindi titigil sa kagugulo ng pag-iisip ko. Nakakairita na nga minsan eh. Lakas ng tama ng OCD.
Medyo mixed emotions pa ako. (Lagi naman eh! Kailan ko ba na-assess ng maayos yung emotions ko, aber?) Ayoko umalis. Pero gusto ko. At wala naman akong magagawa kasi mangyayari rin. Babalik-balik pa naman ako.. pero naiisip ko, ganun pa rin ba kaya sa bahay 'pag wala ako? Sasaya ba sila o malulungkot? Iniisip ko na rin mga kaibigan ko, ganun rin kaya sila?
Wala naman rin akong magagawa kung anuman mangyayari eh, wala na rin naman sa mga kamay ko 'yan. Tulad ng nag-iisa kong paboritong quote, "Suum cuique", na Latin ng "To each, his own", kaniya-kaniya na rin tayo.
Pero kahit anong gawin mo, babalik-balikan mo pa rin lahat. Lilingon at lilingon ka rin sa lahat ng taong nakatulong sa'yo at sa lahat ng mga nangyari sa'yo bago ka makarating sa kung anumang kalagayan meron ka ngayon. Hindi mo man nagawang magpasalamat ng maayos sa mga nakatulong sa'yo, o kaya baka hindi ka nakatingin noong may biglang nangyaring maganda, dapat tanggapin mo pa rin. Masyado nang late para magsisi. Nasa huli ka na eh. Hanggang lingon at simpleng ngiti ka na lang.
Kaya dapat habang maaga pa, matuto na sana tayo kung paano magpasalamat. Magsisi na habang maaga pa, habang may panahon ka pa. Habang may magagawa ka pa.
Aaminin ko na late ko nang na-realize 'yan. At ayoko sanang mangyari pa sa iba.

Comments
Post a Comment